Happy (late) Valentine’s Day!! First of all, I hope nagustuhan n’yo yung kuwintas na binigay ko huhu. Natagalan ako maghanap ng gift na available yung favorite colors n’yo, kaya sana worth it.
Anyway, since hindi ako magaling magsabi ng mga gusto kong sabihin nang harapan, naisip ko na ibuhos na lang lahat ng appreciation ko sa inyo sa letter na ’to, mga bagay na matagal ko nang gustong sabihin simula nung nagkakilala tayo. Kasi feeling ko, hindi sapat ang isang kuwintas para ipakita kung gaano ko kayo naa-appreciate.
Sa totoo lang, sobrang saya ko na dumating kayo sa buhay ko. Meeting you guys felt like nakatagpo ako ng liwanag sa isang lugar na akala ko mananatiling madilim habang-buhay. Kaya super grateful ako na nagkaroon ako ng friends na katulad ninyo.
Minsan, medyo nalulungkot ako dahil hindi na tayo masyadong complete na magkakasama, which is understandable naman. Pero may mga times talaga na winiwish ko na sana naging classmates ulit tayo. Hindi pa kasi ako fully nakaka-adjust sa mga classmates ko ngayon. May mga moments kasi na nasasaktan ako sa mga nasasabi nila. I mean, oo, may mga nakakasama naman ako at may kaibigan din naman. Pero iba pa rin yung presence ninyo, yung comfort na dala ninyo tuwing magkakasama tayo :<.
Kaya if ever na kaya ko lang kontrolin yung oras, babalik-balikan ko ang Grade 10 nang paulit-ulit, kahit kailangan ko pang tiisin lahat ng pet peeves ko doon nang libo-libong beses, basta makasama ko lang ulit kayo sa iisang section.
Super thankful ako sa inyo kasi kahit minsan mahirap akong lapitan, kahit nagiging distant ako, hindi pa rin kayo lumayo, pinili n’yo pa rin akong lapitan. Growing up, nasanay akong i-isolate yung sarili ko whenever hindi okay yung mental state ko, hanggang sa naging parang pader na siya sa paligid ko.
Minsan, hindi ko maiwasang makaramdam ng konting guilt, parang nagtatanong ako sa sarili ko kung ang isang “nobody” na kagaya ko ay deserving sa comfort na binibigay ninyo. Kasi ang dami kong pader na tinatayo sa paligid ko. In short, napaka-difficult kong tao. Pero kayo? nagagawa n’yo pa ring mag-stay.
Usually, mahirap sa’kin ilahad yung mga intimate at personal na bagay na nararamdaman ko, pero it’s different when it comes sa inyo. For some reason, naging super dali lang gawin. Kaya thank you guys ulit for the friendship na matagal ko nang hinahanap. You guys became the kind of comfort I didn’t know I was allowed to have.
And I hope na maging successful kayo in the future, since alam kong darating ang panahon na magkakahiwalay tayo, lalo na pagdating ng HS graduation. Pero kahit saan tayo dalhin ng oras, dadalhin ko palagi yung presence at comfort na pinaramdam ninyo sa’kin hanggang sa kamatayan ko.
♪